litanya ala block A [part 2]

_alice: sa mcdo na kasi tayo.

_mon: masyado ka sa fast food. alam mo ba, fast food, fast life.

____________

_fred: maam saan kayo nakatira?

_CI: sa taas.

_fred: sa gym?

____________

_CI: tignan nio. wag kaung magmi-misdiagnose. baka akala nio sunken eyes pero ganun pala tlga.

_vin: maam anu ang sunken eyes?

_CI: nakaluwa ang mata.

_vin: nakaluwa tas sunken eyes?

_jehad: sunken eyes!

____________

_CI: quiz nio bukas ha, sa dalawa.

_vin: bakit kaya tau quiz nang quiz. wala lang siguro magawa si maam.

____________

_vin: maam, totoo ba pag nahuli ka nagyoyosi sa duty expulsion agad?

_CI: depende. lets see.

_vin: maam, kasi naman 6 years ka nang nagyoyosi tas biglang 3 days titigil. ang hirap. its hard.

____________

_CI: anu ang LBM?

_karen: loose bowel movement.

_romeo: si joey.

_fred: oo nga si joey LBM lagi.

_joey: sige lang ipagmalaki nio total naman hindi kayo ung napapahiya e.

____________

_CI: anung country ang may pinakamalaking population?

_fred: india!

_CI: hndi. china.

_fred: sabi ko nga. india ung second.

____________

CI: yang buhok mo, para kang bumiyahe sa eroplano, sa labas nga lang.

____________

_karen: hala si sir hindi rin pala ichecheck ung reflection natin.

_ako: oo nga. pinag-isipan ko pa man din ang over over.

_joey: ako rin. dumugo ilong ko kakaisip ng english.

____________

_vin: hi maam.

_coordinator: saan ang CI nio?

_vin: maam wala pa. may short quiz pa kami. 50 points. OA.

____________

_CI: miss wanawan.

_fred: wanawan point nine.

____________

*planning for community duty*

_lesley: ung mantika.

_fred: bibili na dun baka mabutas.

_lesley: ung talong?

_fred: bibili na dun baka malamog.

____________

*community*

_jehad: may narinig ba kau kagabi?

_joey: multo?

_jehad: hindi. hilik.

____________

_vin: lolo ko, akala, ung 3 in 1 na kape, tatlong beses mo pwede timplahin hati hatiin mo sa tatlo. parang ung 3 in 1 na shampoo!

____________

_CI: take ur time. bilis!

____________

_joey: favorite colors ko, black, red, green, pink.

_mon: andami nman. dapat pag favorite color, isa lang. parang best friend. best.

_joey: oo nga andami kong favorite color pero mga damit ko puro orange.

____________

_joey: kuya marunong ka bang mag-repair ng headset? sira kasi tong akin e.

_mon: bakit, anu bang kinuha kong course?

____________

*kumakanta*

_karen: ..shooting stars.. i could really ush a wish.. haha.

____________

_vielle: si jovs binasag niya ung nagtitinda ng balot kanina.

-fred: eto binasag niya, ung balot. haha.

____________

_joey: ano? si jiro manio may anak na?

_karen: oo.

_lesley: 2 years old na ung anak nia ngayon.

_joey: ilang taon na ba siya ngayon?

_ako: sixteen na.

_joey: e di fourteen siya nung nagkaanak sila.

_viele: hindi joey, eighteen siya nun! alangan naman kasing magfoforward ung age niya tas babalik.

_joey: sorry naman pu.

____________

_karen: nasanay na kasi akong nagtataxi.

_vielle: mayaman.

_karen: minsan lang.

_fred: minsan ka lang mayaman?! haha.

____________

_terrence: analyze the analyzation..

____________

*about RHU*

_CI: yung yellow card, yellow paper, para saan un?

_vin: enrolment form.

____________

_lesley: may golf course dun.

_fred: tamang tama may dala akong swimsuit!

____________

*sa loob ng van*

_ako: parang ang luwag luwag dyan sa likod a.

_fred: si joey, ang luwag luwag.. ng mga damit niya.

_alice: haha.

____________

_mon: aray. aw.

_fred: aray na nga, aw pa. nasaktan talaga.

____________

_fred: joey, iuwi mo ung mga malalaking bato o. panhilod.

____________

_joey: bakit kaya ang hirap gisingin ang mga nagtutulug tulugan?

____________

_fred: hala may check point pa.

_joey: ampatuan kami.

____________

_fred: san na tayo?

_ako: malapit na tau sa abatan.

_fred: hala ang layo na natin hinahanap na ako ng nanay ko.

____________

_fred: ano kaya ang masarap iorder sa delivery room?

____________

_ako: bakit kaya tong pintuan ng van hindi na ginawang magkabilaan?

_fred: bakit hindi na rin ginawang magkabilaan ung driver?

____________

_driver to joey: magseatbelt ka.

_fred: hindi na yan kailangan may sarili na yang airbag.

____________

_joey: bucayaoan, bokawkan, ano? buyacaoan.

____________

_CI: noon, mas pasyente kami sa ortho.

_romeo: kami rin!

____________

_karen: hala naman pinagheheadband ako ni sir? anu na kayang itsura ko nun?

_vielle: alam mo ung mga nasa mcdo? ganun din kaya gawin mo. magnet ka sa ulo.

____________

_CI: postconventional ung sagot.

_aira: maam conventional naman ung nasa book.

_CI: postconventional yan.

_tj: ay pinalitan na?

____________

_CI: sino dito ang may mga kamag-anak sa abroad?

_karen: kapatid.

_alice: nanay.

_fred: kapitbahay.

_vielle: kakilala.

_ako: ung nakasalubong lang.

____________

*joey nagbubuhos ng sanitizer sa kamay*

_vielle: hala joey hindi yan running water.

____________

_mon: wala! walang estudyante pag sabado!

_lesley: meron.

_mon: wala! magbayad kayo ng 7.50.

_vielle: heto, sais.

_mon: sabi ko nang 7.50 e!

_caila: bakit ba kasi.

_ako: siya kasi ung driver.

_fred: hindi, tatay niya.

____________

_ako: fred bakit mo kasi ginaganyan si eryll? tumahimik ka na kasi!

_fred: dahil ayokong nalalamangan!

____________

_lesley: bakit square ang box ng pizza, pero bilog ung mismong pizza?

_kami: bakit?

_lesley: kasi, may mga bagay na sadyang magkaiba pero bagay sa isat isa.

____________

_lesley: quarrel kayo nang quarrel hindi nman kayo lovers!

____________

*madaming pusa sa OB*

_fred: hindi na kasi to ginawang zoo.

____________

*nag-uusap about dengue*

_alice: baka kinagat ng lamok?

_fred: hindi, baka tinuklaw.

____________

_mon: bat tulog yan? (joey)

_lesley: wala nga siyang tulog kagabi.

_mon: mas okei na ung walang tulog kesa walang gising!

No comments:

Post a Comment