verbal abuse!

hayksul aku nun, kasama ko si nero nung araw na yun. as usual kxe, garampangan. tawa dito, tawa doon. hanggang sa napikon yung driver. sa harap pa kxe kame nakaupo. driver ng guisad yun.

naisara ko nang malakas yung door pagbaba ni nero.

tas sumigaw nang bonggang bongga yung driver,

"p*t*n* i*a m*! hayup ka! animal
ka!"


tas, ay shocks, natameme ako. parang tanga. walang naisumbat. hindi ko nalaman ang gagawin.

pagbaba ko, sabi ko,

"sige manung, God bless po.."


pero inulit ulit niya ang sinabi. naisip ako, i should've fought back. sana pinaglaban ko ang aking karapatan. pwede ko xa kasuhan ng verbal abuse kung tutuusin e. hindi niya ako trinato bilang tao. so inhuman! barbaric act by a barbaric driver! kung maingay man kami, sinabi sana niya sa makataong paraan. "ading, ang ingay niyo. pwedeng tumahimik muna kayo.."

nalimutan ko na pagmumukha ng driver na yun. pero hindi ko makakalimutan ang mga pinagsasabi niya.

binalak ko ngang butasan yung gulong niya eh. pero mali yun. bahala na si Lord. sa bagay, kasalanan ko rin. tone down, pag nakasakay sa isang PUV.

No comments:

Post a Comment