sayang ang pera ko, pinambili ng shades, sa pagkain sana, nabusog pa ako..

bumili ako ng shades kanina
sa may tiangge, muslim ang tindera
matandang babae at nagyoyosi pa
"shades niyo diyan, dito ay mura.."

maraming pagpipilian, Lacoste at Ray Ban
alam kong di ko bagay, pero kailangan
dahil super init na ngaung mga buwan
kaya ang mata'y dapat proteksyunan

akin nang napili, iyong dolce ang gabbana
kung ito ay tunay, mahal ang halaga
dahil nga tiangge, kaya abot kaya
krisis kasi ngaun, butas aking bulsa

"ang mahal naman, pwede po bang babaan niyo?"
dahil sabi niya, isandaan daw ito
"pwede po bang P80 na lang kasi ito lang pera ko?"
buti naman at siya ay umoo

pero aking pag-uwi ako ay nadismaya
ang binili kong shades ay sira pala
dahil sa katangahan, P80 ay napunta sa wala
nakakainis, dapat inusisa ko muna

No comments:

Post a Comment